Barangay 1st Quarter Assembly, isinagawa sa Barili, Cebu

Dumalo ang mga tauhan ng Barili Municipal Police Station sa 1st Quarter Barangay Assembly sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Gerald D. Casalme, Officer-in-Charge na ginanap sa Barangay Mantalongon at Pancil, Barili, Cebu noong ika-14 ng Hunyo 2025.

Isa sa mga pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang kasalukuyang kalagayan ng kapayapaan at kaayusan sa barangay. Binigyang-diin ng mga pulis ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa pagpapanatili ng katahimikan sa kanilang lugar. Nagbigay rin sila ng update sa mga kasalukuyang hakbang ng PNP upang maiwasan ang anumang uri ng krimen at panatilihin ang ligtas na pamayanan.

Ipinaliwanag din ang kanilang patuloy na kampanya kontra terorismo sa ilalim ng NTF-ELCAC at ang pinaigting na laban sa iligal na droga.

Layunin ng mga programang ito na sugpuin ang mga banta sa seguridad ng bayan at tuluyang puksain ang mga salik na nakaaapekto sa kaayusan ng komunidad. Kasama rin sa mga tinalakay ang iba pang adbokasiya ng PNP para sa kaligtasan at kaayusan ng bawat barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *