KKDAT Symposium, isinagawa sa Sultan Kudarat
Isinagawa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo ng Symposium on Illegal Drugs and Terrorism na pinangunahan ng mga tauhan ng Kalamansig Municipal Police Station sa Barangay Cadiz, Kalamansig, Sultan Kudarat noong ika-30 ng Hunyo 2025.
Matagumpay ang naging aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Rodney V Binoya, Chief of Police ng Kalamansig Municipal Police Station katuwang ang mga miyembro ng KKDAT Kalamansig Chapter.
Naging aktibo ang mga kabataan sa naging talakayan patungkol sa Anti-Illegal Drugs Awareness.
Ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o ang Republic Act No. 9165 ang naging sentro ng talakayan.
Kabilang rin sa mga pinag-usapan ay ang Republic Act No. 9211 kilala rin bilang Tobacco Regulation Act of 2003 at ang pag-iwas ng kabataan sa pagsali sa anumang gawain na may kinalaman sa terorismo.
Siksik liglig ang mga kaalaman na nakuha ng mga kabataan na may kasamang kiliti at saya dahil sa mga papremyong ibinigay ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Cadiz na mga gamit pangpaaralan tulad ng pluma, pambura, kwaderno at papel.
Bago matapos ang programa lahat ng mga lumahok ay nabigyan ng sertipiko ng pagkilala para sa kanilang pakikiisa sa nasabing programa.
Layunin ng programa na ipalaganap ang pag-unawa at kamalayan sa mga kabataan ang mga ipinagbabawal na gamot at terorismo sa mga kabataan sa buong pamayanan.


