“Ride for a Cause”, isinagawa sa Nueva Valencia, Guimaras

Isang makabuluhang aktibidad na “Ride for a Cause” ang pinangunahan ng Neutrals Solid Riders Incorporated – Nueva Valencia Chapter, katuwang ang Nueva Valencia Municipal Police Station sa Barangay Concordia, Nueva Valencia, Guimaras, nito lamang ika-20 ng Hulyo, 2025.
Layunin ng aktibidad na itaas ang kamalayan ng mga motorista hinggil sa kaligtasan sa kalsada.
Isinusulong nito ang responsableng pagmamaneho at tamang asal ng mga rider. Sa pamamagitan nito, pinapaigting ang disiplina at malasakit sa kapwa sa lansangan.
Pinamunuan ni Ginang Nene Ann Gajo ang grupo ng mga rider, habang pinangasiwaan naman ng PLT Chantal B Guinid, Deputy Chief of Police, at PCPT Ross Kevin C Obejas, Officer-in-Charge ng Nueva Valencia MPS, ang partisipasyon ng kapulisan sa aktibidad.
Sa nasabing pagtitipon, nagbigay ng maikli ngunit makabuluhang mensahe ang PNP hinggil sa kahalagahan ng maingat at responsableng pagmomotor.
Ang aktibong kolaborasyon sa pagitan ng Neutrals Solid Riders Inc. – Nueva Valencia Chapter at ng PNP Nueva Valencia ay nagpamalas ng isang matibay na ugnayang nakatuon sa iisang layunin, ang kaligtasan at kapakanan ng komunidad.
Nakibahagi rin sa aktibidad ang Provincial Highway Patrol Team – Guimaras, sa pamumuno ni PLT Dan Albert J. Geraldez, kasama ang NSRAI Iloilo at iba’t ibang rider clubs mula sa Guimaras.
Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, hindi lamang pagkakaisa ng mga rider ang naipakita, kundi pati ang matibay na suporta at pakikipagkaisa ng kapulisan para sa isang mas ligtas at disiplinadong lansangan.
Ang matagumpay na “Ride for a Cause” ay patunay na ang pagkakapit-bisig ng civic groups tulad ng Neutrals Solid Riders at PNP ay mahalaga sa pagsusulong ng kapayapaan, kaligtasan, at malasakit sa bawat mamamayan ng Nueva Valencia at ng buong Guimaras.
Source: Nueva Valencia MPS FB Page