Mga Mag-aaral at Katutubo, benipisyaryo ng Outreach Program

0
523836024_628509299819860_803543228985011699_n

Benipisyaryo ang mga mag-aaral at katutubo sa isinagawang outreach program sa Sitio Guisok, Malita, Davao Occidental noong Hulyo 29, 2025.

Ito ay naging posible dahil sa pagsisikap ng 1st Davao Occidental Provincial Mobile Force Company at Revitalized Pulis Sa Barangay (R-PSB) Cluster 1 Malita para sa mga mag-aaral at katutubo mula sa tribong B’laan at Tagakaulo.

Layunin ng aktibidad na maghatid ng suporta sa edukasyon at pangunahing pangangailangan sa mga mag-aaral, na kadalasang may limitadong access sa mga serbisyong pangkomunidad dahil sa heograpikal na kalagayan ng kanilang lugar.

Namahagi ang mga tauhan ng PNP ng mga school supplies, tsokolate para sa mga bata, at food packs, na agad naghatid ng saya at pag-asa sa mga kabataan ng Sitio Guisok.

Ang matagumpay na programa ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng mga guro mula sa Sitio Guisok Beam Elementary School sa pangunguna ni Gng. Anacel Condinato, School Head, gayundin ng Provincial Social Welfare and Development Office, mga lokal na opisyal ng barangay, at ilang pribadong sektor.

Ang ganitong mga aktibidad ay patunay ng mas pinalawak na papel ng kapulisan bilang katuwang hindi lamang sa seguridad, kundi pati na rin sa pagpapaunlad at pagkalinga sa mga komunidad na higit na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *