CASSN, inilunsad sa ZamboSur
Matagumpay na inilunsad ang Community Assistance, Safety, and Support Network (CASSN) sa City Hall Complex, Gatas District, Pagadian City, Zamboanga del Sur nito lamang ika-29 ng Hulyo 2025.
Ang programa ay pinangunahan ni Hon. Samuel S Co, Mayor ng Pagadian City, katuwang ang Pagadian City Police Station sa pamumuno ni Police Lietenant Colonel Jerwin S.D. Cagurin, Acting Chief of Police.
Patuloy ang pagsisikap ng bawat kapulisan gayon na din ang mga mamamayan upang mabuo ang isang mas panatag, mas ligtas, at mas matibay na lungsod ng Pagadian.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng pagkakaisa sa pagitan ng kapulisan at mamamayan, na nagtutulungan upang matiyak ang kapayapaan, seguridad, at mabilis na pagresponde sa bawat barangay.

