BPATs Orientation at Training, isinagawa sa Lanao del Sur
Matagumpay na isinagawa ang BPAT Orientation at Training sa Daniels Place, Brgy. Extension, Wao, Lanao del Sur nito lamang ika-30 ng Hulyo, 2025.
Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng nasabing lugar ang aktibidad katuwang ang Wao Municipal Police Station at nilahukan ng mga BPATs Members mula sa apat na barangay ng nasabing lugar.
Layunin ng pagsasanay na bigyang-kaalaman at kasanayan ang mga BPATs upang maging epektibong katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Bilang mga force multipliers, mahalagang bahagi ng komunidad lalo na sa pagpapalakas ng kampanya kontra kriminalidad.
Patuloy ang mga hakbang ng kapulisan upang maisagawa ang iba pang aktibidad para sa BPATs upang higit maging handa at epektibong katuwang sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa kani-kanilang mga barangay.


