School Symposium, isinagawa sa Cabucgayan National School sa Biliran

0
viber_image_2025-08-10_14-28-35-792

Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral na Grade 12 ng Cabucgayan National School sa isinagawang Symposium na ginanap sa Brgy. Libertad, Cabucgayan, Biliran nito lamang Agosto 8, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Cabucgayan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Ruel M Sitoy, Acting Chief of Police na dinaluhan ng mga guro at mag-aaral ng nasabing paaralan.

Ang paksang tinalakay ay tungkol sa Drug Awareness Campaign, na naglalayong turuan ang mga kabataan tungkol sa mga panganib ng iligal na droga at hikayatin ang aktibong pakikilahok sa mga pagsisikap ng komunidad upang maiwasang maimpluwensiyahang gumamit ng iligal na droga.

Ang pagpupulong ay bilang bahagi ng Buwan ng Kabataan na may temang “Turuan Mo Ako SK”.

Ang naturang aktibidad ay nagpapakita ng matibay na pagkakaisa ng komunidad sa kanilang pagsisikap na labanan ang salot ng iligal na droga at magtaguyod ng isang ligtas at malusog na kinabukasan para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *