Bloodletting Activity bilang Paggunita sa 124th Police Service Anniversary, isinagawa

0
528154908_1263214104950521_6523039386005505378_n

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 124th Police Service Anniversary, isinagawa ang isang bloodletting activity na may temang “Dugong Kapulisan, Alay sa Mamamayan” nito lamang Agosto 12, 2025 sa PRO 12 Covered Court, Camp Gen. Paulino T. Santos, Tambler, General Santos City.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng South Cotabato Provincial Hospital at nilahukan ng humigit-kumulang 200 kalahok mula sa Regional Headquarters (RHQ) at General Santos City Police Office.

Layunin ng nasabing bloodletting activity na magbigay ng tulong sa mga nangangailangan ng dugo at ipamalas ang malasakit ng kapulisan sa kanilang nasasakupan.

Ang inisyatibang ito ay sumasalamin sa diwa ng “Bagong Pilipinas” kung saan ang mga pulis ay hindi lamang tagapangalaga ng kapayapaan kundi katuwang din ng komunidad sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan at pangkawanggawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *