“Calamansi Festival” Fun Bike, nilahukan ng iba’t ibang Advocacy Groups sa Aurora Isabela

Aktibong nakilahok ang iba’t ibang grupo ng National Coalition ng Lingkod Bayan Advocacy Groups at Force Multipliers sa Fun Bike na bahagi ng “5th Calamansi Festival” ng Aurora, Isabela nito lamang Abril 23, 2023.

Bilang suporta sa aktibidad, pinangunahan ito ni PMaj Angelo S Pagulayan, Hepe ng Aurora Police Station at mga tauhan nito pati na rin ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga At Terrorismo (KKDAT), Sangguniang Kabataan Federation-Aurora, Force Multipliers Aurora Isabela at mga kawani ng LGU.

Umabot sa 100 ang mga dumalo kasama ang mga bike enthusiasts kung saan inumpisahan ang aktibidad ng isang paligsahan at nagkaroon muna ng maikling programa para naman sa pagbibigay ng mechanics ng aktibidad sa mga kalahok.

Nagtapos ang aktibidad sa paggawad ng certificates of recognition sa lahat ng organizers at pagbibigay ng Php500.00 consolation prizes sa 40 na mga kalahok. Nagsagawa din ng raffle draw ang LGU Aurora kung saan tatlo ang makakatanggap ng bagong bisikleta at cash prizes naman sa mga first finishers sa iba’t ibang age categories.

Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan sa suporta ng iba’t ibang grupo at organisasyon gayundin sa ligtas at masayang pagdaraos ng 5th Calamansi Festival sa lalawigan.

Source: Isabela PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *