2nd PMFC, nagsagawa ng community outreach program sa Misamis Oriental

0
Screenshot-2026-11-04-135143

Nakiisa ang mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), partikular ang Cluster 1 ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB), sa isinagawang community outreach program ng Pamahalaang Bayan ng Misamis Oriental sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga food pack sa mga benepisyaryo.

Bukod dito, nagkaloob din ang mga pulis ng libreng gupit sa mga residente bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagsisikap na mapalapit sa komunidad, mapatatag ang ugnayan ng pulisya at mamamayan, at makapaghatid ng karagdagang tulong sa mga nangangailangan.

Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, muling pinagtibay ng 2nd PMFC ang kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa publiko at pagtupad sa kanilang tungkuling maglingkod at magprotekta sa mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *