RMFB1, katuwang ang iba’t ibang ahensiya, nagsagawa ng community outreach program sa Urdaneta City
Nagsagawa ang mga tauhan ng 104th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1), sa pangunguna ni PLT Zedrick A. Peredo at sa ilalim ng superbisyon ni PCPT Raymond Rhyss T. Walin, ACC, ng PNP Community Outreach Program at Alagang Urdaneta Health Caravan sa CB Mall, Urdaneta City, Pangasinan.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross–Pangasinan Chapter, Urdaneta City Branch, sa pangunguna ni Ms. Honeylette Bamba, kasama ang International Pharmaceutical Inc., Philippine Dental Association–Pangasinan Chapter, Yakult Philippines, at City Health Office ng Urdaneta City. Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang konsultasyong medikal, pamamahagi ng libreng gamot, supplemental feeding, at dental check-up upang matugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan.

Ipinakita ng nasabing inisyatiba ang patuloy na pakikiisa ng Philippine National Police (PNP) at mga katuwang nitong organisasyon sa pagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng komunidad. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, malasakit, at tapat na paglilingkod, higit na napapalapit sa publiko ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan at napagtitibay ang ugnayan ng kapulisan, mga propesyunal sa kalusugan, at mamamayan tungo sa mas malusog, ligtas, at maunlad na pamayanan.