Malinao MPS, patuloy ang pakikipagtulungan sa BPATs para sa kapayapaan at kaayusan
Pinaigting ng Malinao Municipal Police Station (MPS) ang mga hakbang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Barangay Visitation and BPATs Mobilization sa iba’t ibang barangay sa ilalim ng nasasakupan nito.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Malinao MPS sa pangangasiwa ni PMAJ EDITO RAYMUND B. TORRE, Officer-in-Charge, ang aktibidad kung saan nakipagpulong at nakipagdayalogo sila sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs). Binigyang-diin dito ang mahalagang papel ng BPATs bilang force multipliers sa pagpapanatili ng kaayusan, pagpapalakas ng pagbabantay sa komunidad, at agarang pagsusuplong sa mga kahina-hinalang gawain at insidente.

Layunin ng inisyatibong ito na higit pang patatagin ang ugnayan ng pulisya at komunidad at mapalakas ang sama-samang pagkilos tungo sa isang ligtas, mapayapa at malaya sa krimen na pamayanan.