BPATs, nakiisa sa 2025 National Crime Prevention Week sa Abra

0
541234994_1452681552506240_1000996163817516662_n

Aktibong nakiisa ang mga Barangay Peace Keeping Action Teams sa isinagawang 2025 National Crime Prevention Week nito lamang ika-1 ng Setyembre, 2025 sa San Jose Norte, Manabo, Abra.

Ito ay pinangunahan ng mga tauhan ng 2nd Abra Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Major Irwing O Keryao, Force Commander na may temang “Pinalakas na Pamahalaang Lokal para sa Ligtas na Pamayanan: Pagpapatibay ng mga Programa sa Pag-iwas sa Krimen sa Ilalim ng CSOP.”

Bilang bahagi ng selebrasyon, nagsagawa ang 2nd Abra PMFC ng lecture para sa mga BPATs ng San Jose Norte ukol sa tamang pamamaraan ng pag-aresto at paggamit ng arnis bilang mahalagang kasangkapan sa pagpigil ng krimen at pagtatanggol sa komunidad.

Sinundan ito ng isang live demonstration upang maisabuhay ng mga kalahok ang mga natutunang kaalaman at kasanayan. Ang presensya ng mga BPATs ay nagsilbing patunay na ang crime prevention ay hindi lamang responsibilidad ng iilang sektor, kundi isang kolektibong aksyon ng buong komunidad.

Maliban sa mga BPATs nakiisa rin ang mga kinatawan mula Bureau of Fire Protection (BFP)- Manabo para sa pagbibigay ng pagsasanay sa basic first aid, kung saan natutunan ng mga tanod at miyembro ng komunidad ang mga pangunahing hakbang sa pagharap sa mga emergencies.

Binigyang-diin ng aktibidad ang kahalagahan ng capacity-building ng mga lokal na tagapagpatupad ng batas at pagpapatibay ng inter-agency collaboration upang maisakatuparan ang CSOP approach.

Ang pagsasama-sama ng iba’t ibang grupo sa iisang adhikain ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa kaligtasan ng lungsod at ito ay isang patunay na ang pag-iwas sa krimen ay isang sama-samang responsibilidad.

Muling pinagtibay ng 2nd Abra PMFC, ang kanilang paninindigan na patuloy na palakasin ang mga lokal na pamahalaan at komunidad upang mapanatili ang ligtas, matatag, at walang-krimeng barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *