Fisherfolks Advocacy Support Group, nakiisa sa Dayalogo ng Abucay PNP
Nakiisa sa dayalogo at consultative meeting ang mga miyembro ng Fisherfolks Advocacy Support Group ng Barangay Omboy, Abucay, Bataan kasama ang mga tauhan ng Abucay Municipal Police Station nito lamang Sabado, ika-30 ng Agosto 2025.
Pinangunahan ang aktibidad ng mga tauhan ng Abucay MPS sa ilalim ng pamumuno ni Police Major John Rhey A. Cutab, Officer-In-Charge.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang pakikipag-ugnayan at pagtutulungan ng mga mangingisda at PNP, itaguyod ang kaligtasang pandagat at responsibilidad sa kapaligiran at hikayatin ang mga mangingisda na magsilbing force multipliers sa pagbabantay ng lokal na karagatan.
Itinuturing ng parehong panig na isang mahalagang hakbang ang aktibidad na ito upang higit pang mapagtibay ang tiwala, kooperasyon, at pakikipagtulungan sa pagitan ng mga mangingisda at kapulisan tungo sa mas ligtas at maayos na pamayanan sa baybaying bahagi ng Abucay, Bataan.
