Iba’t ibang Ahensya, sama samang nakibahagi sa Crime Prevention Week Kick-Off Ceremony sa Malay, Aklan

0
viber_image_2025-09-02_12-39-02-076

Aktibong nakiisa ang 2nd Aklan Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa pangunguna ni PMAJ Dennis Laurence Y. Bautista, Acting Force Commander, sa isinagawang Kick-Off Program para sa National Crime Prevention Week.

Kasabay nito ang tradisyunal na Monday Flag Raising Ceremony na may temang “Pinalakas na Pamahalaang Lokal para sa Ligtas na Pamayanan: Pagpapatibay ng mga Programa sa Pag-iwas sa Krimen sa Ilalim ng Community and Service-Oriented Policing (CSOP) System,” .

Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng motorcade mula sa Brgy. Poblacion Public Plaza patungo sa Covered Court ng Brgy. Caticlan, Malay, Aklan.

Pinangunahan ng Malay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ang programa na dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang Lokal na Pamahalaan ng Malay sa pamumuno ni Mayor Hon. Floribar Bautista, Malay Municipal Health Office, mga barangay council, force multipliers, at iba pang sektor ng komunidad.

Ang pagbubukas ng programa ay sinamahan ng ecumenical prayers mula sa kinatawan ng Katoliko, Kristiyanong Pastor, at Muslim community—na sumisimbolo ng pagkakaisa ng iba’t ibang pananampalataya para sa iisang layunin ng kapayapaan.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni PMAJ Bautista ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos at kolaborasyon ng PNP, lokal na pamahalaan, at mga stakeholder upang mapagtibay ang mga programa sa crime prevention at mapanatili ang ligtas at mapayapang pamayanan.

Ang nasabing selebrasyon ay nagsilbing patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa at pakikipag-ugnayan ng bawat sektor ng lipunan, mas nagiging epektibo ang pagpapatupad ng Community and Service-Oriented Policing (CSOP) at mas napapalakas ang kampanya laban sa krimen.

Sa pagkakaisa ng pamahalaan, kapulisan, at mamamayan, tiyak na makakamit ang isang ligtas, mapayapa, at maunlad na komunidad.


Source: 2nd Aklan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *