Sultan Kudarat State University Criminology Intern, sumailalim sa Internship and Leadership Training cum Career Guidance

0
548929966_766836432871660_460297476416371296_n

Sumailalim sa Internship and Leadership Training cum Career Guidance at Professional Ethics Seminar ang mga Criminology Intern ng Sultan Kudarat State University-Kalamansig Campus na ginanap sa SKSU Campus, Kalamansig, Sultan Kudarat nito lamang ika-15 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan ng Kalamansig Municipal Police Station ang aktibidad sa pamumuno ni Police Major Rodney V Binoya, Hepe ng nasabing istasyon.

Tampok sa programa ang serye ng mga lectures, praktikal na talakayan, at mga dinamikong pisikal na aktibidad na naglalayong hubugin ang mga kalahok bilang disiplinado, responsable, at may malasakit na indibidwal.

Binibigyang-diin sa mga intern ang mga pangunahing pagpapahalaga tulad ng pamumuno, integridad, at propesyonalismo, kasabay ng pagpapakilala sa mga realidad at hamon ng trabaho bilang pulis.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong patibayin ang ugnayan sa pagitan ng Kalamansig MPS at SKSU-Kalamansig Campus, na may layuning ihanda at bigyan ng sapat na kaalaman, kasanayan, at wastong asal ang mga susunod na tagapagpatupad ng batas upang epektibong makapagsilbi sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *