Advocacy Support Group, nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Cagayan

0
viber_image_2025-09-30_16-10-29-185

Nagsagawa ng tree planting activity ang Advocacy Support Group kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan nitong Setyembre 30, 2025 sa Solana, Cagayan.

Matagumpay na naisagawa ang aktibidad na may temang “Peace with Creation, Season of Creation”. Ito ay bahagi ng inisyatiba ng Green Luzon Project at ng iba’t ibang Diocesan Social Action Centers na naglalayong palakasin ang kampanya sa pangangalaga sa kalikasan.

Sumuporta din sa proyekto ang Solana Police Station, Cagayan Police Provincial Office, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Bureau of Fire Protection (BFP), Regional Mobile Force Battalion 2, at mga Barangay Officials ng General Balao.

Isinulong ng aktibidad ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya at mamamayan para sa mas maayos at mas ligtas na kapaligiran. Sa pakikipagbayanihan ng kapulisan, lokal na pamahalaan, at simbahan, lalo pang napalalakas ang mithiin para sa isang maunlad na Bagong Pilipinas.

Source: Solana Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *