Kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad, aktibong nakiisa sa Gender and Development Seminar ng Angono PNP
Matagumpay na naisagawa ng mga tauhan ng Angono Municipal Police Station (MPS) ang Gender and Development (GAD) Seminar sa Barangay San Isidro, Angono Rizal ngayong araw, Setyembre 30, 2025.

Aktibong nakilahok sa naturang aktibidad, ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad, kabilang ang mga opisyal ng barangay, kababaihan, kabataan, at miyembro ng LGBTQ+.
Pinangunahan ni PCpl Edward Mahusay, Assistant PCR ng Angono Municipal Police Station ang talakayan hingil sa Legal na batayan ng Gender and Development (GAD), mga isyung kinahaharap ng mga kababaihan, karapatan at obligasyon ng mag-asawa, pagsusulong ng karapatan ng LGBTQ+ community at mga hakbang laban sa diskriminasyong batay sa kasarian

Layunin ng aktibidad na palalimin ang kaalaman at kamalayan ng mga mamamayan sa usaping Gender and Development, pagtaguyod sa karapatan ng mga kababaihan at LGBTQ+ community, at palakasin ang ugnayan sa loob ng pamilya.