Joint PPOC-ADAC-ELCAC 3rd Quarter Meeting, isinagawa sa Samar

0
viber_image_2025-09-30_14-27-19-411

Matagumpay na isinagawa ang Joint Meeting ng Provincial Peace and Order Council, Anti-Drug Abuse Councils at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict 3rd Quarter Meeting sa Tandaya Hall, Catbalogan City, Samar nito lamang Setyembre 29, 2025.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mga stakeholder, at mga tauhan mula sa AFP, BFP at Samar Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Arwin M. Tadeo, Provincial Director.

Tinalakay sa nasabing pulong ang mga nagawa ng bawat sangay kaugnay sa mga usapin hinggil sa edukasyon, iligal na droga, kriminalidad, gayundin ang mga plano at aksyon.

Ang nasabing joint meeting ay nagsilbing venue din para pag-usapan ang pressing community concerns at humingi ng rekomendasyon para mapahusay ang koordinasyon ng peace and order initiatives sa grassroots level.

Binigyang-diin sa pulong ang pinalakas na pagtutulungan ng mga stakeholder sa pagtataguyod ng kapayapaan, kaayusan, at pag-unlad ng komunidad sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *