Feeding Program, isinagawa ng Municipal Advisory Group

Masayang pinilahan ng mga bata ang isinagawang feeding program ng Municipal Advisory Group sa Brgy. Fugu, Tuao, Cagayan noong Miyerkules ika-3 ng Mayo 2023.

Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan ng Tuao Police Station na pinamunuan ni Police Major Jhun-Jhun B Balisi.

Ito ay kaugnay sa Project L.O.V.E. (Love and aid to the children of Tuao and Encourage Values and Empowered Rights) ng nasabing himpilan.

Naglalayon ang programa ng grupo na matulungan ang mga bata sa kanilang kalusugan, mapunan ang malnutrisyon at mapalakas ang kanilang resistensya at mailayo sa anumang uri ng karamdaman.

Source: Tuao Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *