Iba’t ibang grupo sa Maayon, Capiz, nagbubuklod para sa kalikasan

0
viber_image_2025-10-08_14-57-29-774

Bilang pagpapakita ng malasakit sa kalikasan at ng pagkakaisa ng komunidad, ang Maayon Municipal Police Station na pinamunuan ni PEMS Rodnie D. Dordas sa ilalim ng direktang superbisyon ni PCPT Mark Anthony M. Garcia, OIC, ay aktibong lumahok sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. Jebaca, Maayon, Capiz, bandang alas-7:00 ng umaga noong ika-5 ng Oktubre 2025.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Parish Youth Ministry Maayon, sa pakikipagtulungan ng Maayon MENRO, Bureau of Fire Protection (BFP), at mga Opisyal ng Barangay Jebaca.

Layunin nitong mapanatili ang kagandahan at kaligtasan ng mga kabundukan ng Maayon laban sa panganib ng wildfire, soil erosion, deforestation, at illegal logging.

Tinatayang mahigit isang daang (100) punong-kahoy ang naitanim sa naturang aktibidad. Sa pamamagitan nito, pinatibay ng mga kalahok ang kahalagahan ng pagtutulungan upang mapangalagaan ang likas na yaman at mapanatiling luntian at buhay ang ating kapaligiran.

Partikular na binigyang-diin sa aktibidad ang malaking papel ng kabataan sa pangangalaga ng kalikasan. Ang kanilang aktibong pakikilahok ay patunay na ang kabataan ay hindi lamang kinabukasan ng bayan kundi katuwang din sa kasalukuyan sa pagtupad ng adbokasiyang pangkalikasan.

Ang aktibidad na ito ay nagpapakita ng matatag na ugnayan at pagkakaisa ng PNP, mga kabataan, at iba’t ibang sektor ng pamahalaan sa pagsusulong ng adbokasiya para sa pangangalaga ng kalikasan. Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, patuloy na isinasabuhay ng Maayon MPS ang PNP Core Value na “Makakalikasan” at isinusulong ang programang “TSIP Makakalikasan” bilang bahagi ng kanilang layunin na mapanatili ang ligtas, maayos, at luntiang komunidad.


Source: Maayon PNP PCADS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *