Force Multipliers, nakilahok sa Dialogue patungkol sa Republic Act 9165
Nilahukan ng mga Force Multiplier ang isinagawang dialogue hinggil sa Republic Act 9165 na ginanap sa Tanauan, Leyte noong Oktubre 11, 2025.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga tauhan ng Tanauan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Carmelo I Gacho, Officer-In-Charge kasama ang mga barangay officials, tanod at residente ng nasabing lugar.
Tinalakay sa aktibidad ang tungkol sa Republic Act 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ELCAC, Crime Prevention Tips, Traffic Rules and Regulations, at Drowning Incident Campaign.
Ang naturang aktibidad ay naglalayong turuan ang mga kalahok sa masamang epekto ng ilegal na droga, isulong ang disiplina at pakikilahok ng komunidad sa pag-iwas sa krimen, at palakasin ang partnership sa pagitan ng Force Multipliers at PNP.