Angono PNP, katuwang ang Advocacy Support Group, nagsagawa ng Community Outreach Program sa Barangay Kalayaan
Sa layuning maipamalas ang malasakit sa mamamayan at mapalakas ang ugnayan ng pulisya sa komunidad, matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng Police Community Relations (PCR) ng Angono Municipal Police Station ang isang Community Outreach Program katuwang ang Force Multiplier – RACCERT Angono Chapter at Angono Kabayan, sa Barangay Kalayaan, Angono, Rizal nito lamang Oktubre 12, 2025.
Mahigit kumulang limampung (50) benepisyaryong residente ng nasabing barangay ang nabigyan ng libreng pagkain.
Ang aktibidad ay naglalayong maghatid ng tulong, palalimin ang tiwala ng publiko, at itaguyod ang matibay na ugnayan sa pagitan ng pulisya at komunidad.
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, ipinapakita ng Angono MPS ang kanilang tunay na malasakit sa kapakanan ng bawat mamamayan tungo sa mas ligtas at mas mapagkalingang pamayanan.