Barangay Officials ng Limay, Bataan, nakiisa sa Pawikan Training
Nakiisa ang mga opisyal ng barangay mula sa iba’t ibang komunidad ng Limay sa Pawikan Training/Seminar na may temang “A Capacity Building on Proper Handling of Pawikan” sa Kitang II and Luz Multipurpose Hall, Villa Leonor, Limay, Bataan nito lamang ika-10 ng Oktubre 2025.
Ang programa ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Limay, Department of Agriculture, Pawikan Conservation Group, Bataan Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO), Philippine Coast Guard (PCG), Limay Petroleum Corporation (LPC), at Limay Municipal Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Jimmy Albert A. Decin, Chief of Police.

Bilang pangunahing katuwang ng mga ahensya ng gobyerno, ipinakita ng mga barangay officials ng Limay ang kanilang dedikasyon sa pangangalaga ng kapaligiran at sa adbokasiya ng marine conservation.
Sa kanilang aktibong partisipasyon, pinatunayan nilang mahalagang sandigan ang mga barangay sa pagpapanatili ng balanseng ekolohiya at sa pagprotekta sa mga likas na yamang-dagat ng Bataan.
Ang naturang pagsasanay ay patunay ng pagkakaisa ng pamahalaan, kapulisan, at komunidad tungo sa mas maunlad, malinis, at makalikasang komunidad.