Davao de Oro PPO, sumusuporta sa mga inisyatiba para sa kapayapaan
Nakiisa ang Davao de Oro Police Provincial Office (DDOPPO) sa pagdiriwang ng 2026 National Peace Consciousness Month Culmination Program na pinangunahan ni Provincial Governor Raul G. Mab anglo sa Provincial Capitol Activity Hall sa Nabunturan, Davao de Oro.
Kinatawan ni PLTCOL Gilbert T. Papa, Deputy Provincial Director for Administration, si Provincial Director PCOL Cesario D. Dukiling Jr. at nagpahayag ng suporta ng DDOPPO sa pagpapanatili ng kapayapaan, pagtiyak sa kaligtasan ng publiko, at pagsusulong ng mga programang pangkapayapaan sa lalawigan.

Tampok sa programa ang pamamahagi ng tulong pangkabuhayan mula sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) sa 24 na organisasyong pangmamamayan o People’s Organizations sa Davao de Oro. Layunin nitong magbigay ng oportunidad para sa matatag na kabuhayan at pagpapaunlad ng ekonomiya ng mga benepisyaryo.
Dumalo rin sa aktibidad ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at mga katuwang sa pagsusulong ng kapayapaan, na nagpapakita ng sama-samang pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at maisulong ang kaunlaran sa buong lalawigan.