Marawi CAD, nagsagawa ng information drive sa Barangay Lumbac Toros, Marawi City
Nagsagawa ng information drive ang mga tauhan ng Marawi City Police Station sa pangunguna ni PSSg Khalid L. Hadjimusa, CAD PNCO, sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL Muhiddin G. Pagayawan, Chief of Police, hinggil sa paglaban sa ilegal na droga, terorismo at pag-iwas sa kriminalidad sa mga residente at force multipliers ng Barangay Lumbac Toros, Marawi City.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga residente hinggil sa masasamang epekto ng ilegal na droga at mga karahasan na dulot ng terorismo at ekstremismo. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag at pagsunod sa mga hakbang sa pag-iwas sa krimen.
Bahagi ang naturang aktibidad ng mga proaktibong hakbang ng pulisya upang palakasin ang kamalayan at pakikiisa ng komunidad sa kampanya laban sa kriminalidad, terorismo at ilegal na droga, tungo sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Marawi City.