Officer’s Ladies Club-Cagayan PPO Chapter, pinangunahan ang Makulay na Pagdiriwang ng Family Day
Pinangunahan ng Officer’s Ladies Club-Cagayan PPO Chapter, sa pamumuno ni Mrs. Regina Anguluan, Adviser, ang makulay at makabuluhang Child Development Center’s Family Day ngayong ika-14 ng Oktubre 2025, na may temang “Family-oriented Policies Toward a Stronger, More Comfortable, and Secure Filipino Family in the New Philippines.”
Katuwang sa aktibidad ang Family, Juvenile, Gender and Development (FJGAD) Section sa pamumuno ni PCPT MARY JANE M. CARODAN at ang PNP Women’s Support Network (WSN) na pinamumunuan ni PMaj Hazel C. Taborada, Assistant Team Leader. Aktibong tumulong din si Ms. Manilyn Bambalan, Child Development Worker, sa paggabay sa mga bata sa iba’t ibang larong pampamilya at interaktibong gawain.

Naging tampok sa programa ang mga masiglang laro at pamamahagi ng loot bags na nagdulot ng saya sa mga bata. Ang kaganapan ay naging pagkakataon upang higit na mapagtibay ang samahan ng mga magulang, guro, at kabataan sa diwa ng pagkakaisa at kasiyahan.
Layunin ng pagdiriwang na palakasin ang ugnayan ng bawat pamilya at isulong ang mga halagahang Pilipino-pagmamahalan, pagkakaisa, at pagtutulungan bilang sandigan ng isang matatag at maunlad na lipunan. Ang matagumpay na selebrasyon ay patunay na may malasakit at dedikasyon ng Officer’s Ladies Club – Cagayan PPO Chapter, katuwang ang kapulisan sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino.
Source: Cagayan PPO