Mga Kabataan, lumahok sa Youth Camp ng PNP sa Alaminos City

0
viber_image_2025-10-14_16-09-29-032

Tunay at Wagas na Pag-asa ng Bukas,” lumahok ang mga kabataan ng Alaminos City sa isang Youth Camp na isinagawa ng pinagsanib-puwersa ng mga tauhan ng 105th Maneuver Company, RMFB1 sa pangunguna ni PCpt Chris Esson A. Soriano, ACC, katuwang ang 1st PMFC sa Barangay Sabangan, Alaminos City, Pangasinan mula Oktubre 10 hanggang 12, taong kasalukuyan.

Layunin ng aktibidad na bigyang-kaalaman at kapangyarihan ang mga kabataan sa pamamagitan ng mga makabuluhang gawain na tumatalakay sa mahahalagang kasanayan at kaalaman sa kaligtasan. Kabilang dito ang pagtuturo ng knot tying at survival skills, first aid training, fire safety lecture at drill, disaster preparedness at resilience, gayundin ang lecture sa CATA at self-defense.

Isa sa mga tampok na bahagi ng programa ang bonfire activity, kung saan pinatibay ang samahan, disiplina, at tiwala sa sarili ng mga kabataang kalahok. Ang nasabing gawain ay hindi lamang nagbigay ng kaalaman kundi nagbigay-daan din sa paglinang ng malasakit at bayanihan sa hanay ng kabataan.

Ayon sa pamunuan ng 105th Maneuver Company, ang ganitong mga aktibidad ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Philippine National Police na hubugin ang mga kabataan bilang responsableng mamamayan at tagapagtanggol ng kapayapaan at kaligtasan sa kanilang komunidad.

Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, tiyak na ang mga kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayan, kundi sandigan ng ligtas, disiplinado, at maunlad na kinabukasan.

Source: 105th MFC, RMFB 1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *