BADAC Meeting, isinagawa sa Cebu City
Matagumpay na isinagawa ang BADAC Meeting sa pangunguna ng mga tauhan ng Carbon Police Station sa ilalim ng pamamalakad ni PMAJ THOM ED TAGHOY II, Station Commander ng PS5 na ginanap sa sa Barangay Pahina Central, Cebu City, noong ika-14 ng Oktubre 2025.
Ito ay sa pangunguna ni Hon. Nigel Borlasa, Committee Chairman on Peace and Order, na may aktibong partisipasyon mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad.

Dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan mula sa Regino Mercado Elementary School at Night High School, kasama ang mga opisyal mula sa COSAP, iba pang Barangay Officials, at mga BPSO.
Tinalakay sa pagpupulong ang mas pinaigting na monitoring laban sa ilegal na aktibidad, pagpapatupad ng curfew ordinance, at pagbibigay-daan sa mga residente na maipahayag ang kanilang mga isyu at hinaing sa barangay.

Sa ganitong paraan, naipapakita ng PNP ang serbisyong mabilis at tapat—hindi lamang sa pamamagitan ng aksyon, kundi sa tunay na pakikilahok at konsultasyon.
Sa patuloy na pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan, unti-unti nang naisasakatuparan ang adhikain ng Bagong Pilipinas—isang komunidad na may kapayapaan, disiplina, at pagkakaisa.