Mag-aaral ng Dampol 1st National High School, nakilahok sa Crime Prevention at Safety Awareness Lecture
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng Dampol 1st National High School sa Crime Prevention at Safety Awareness Lecture na isinagawa ng mga tauhan ng Plaridel Municipal Police Station sa Brgy. Dampol, Plaridel, Bulacan nito lamang Huwebes, ika-16 ng Oktubre 2025.
Matagumpay na nakibahagi ang mga tauhan ng Plaridel MPS sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Jerome Jay S. Ragonton, Acting Chief of Police.
Tinalakay sa lecture ang mga mahahalagang paksa tulad ng wastong paggamit ng motorsiklo at pagbabawal sa mga ilegal na muffler, mga estratehiya sa pag-iwas sa krimen, kampanya laban sa iligal na droga, at mga tips ukol sa personal na kaligtasan, kahandaan, at seguridad.



Layunin ng aktibidad na palakasin ang adbokasiya ng Plaridel MPS sa crime prevention, safety awareness, at community partnership. Ipinakita rin ng presensya ng kapulisan ang mahalagang papel bilang katuwang ng mga paaralan sa pagpapalaganap ng disiplina, kabataan, at nasyonalismo.
Ang nasabing programa ay patunay ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng Plaridel MPS sa mga institusyong pang-edukasyon bilang bahagi ng layuning magtaguyod ng ligtas, disiplinado, at maunlad na komunidad.