PNP Community Outreach at Health Caravan, naghatid ng serbisyo at pag-asa sa 200 benepisyaryo sa San Manuel, Pangasinan
Ipinamalas ng mga tauhan ng 104th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) ang kanilang malasakit at dedikasyon sa komunidad sa pamamagitan ng matagumpay na pagsasagawa ng PNP Community Outreach Program at Health Caravan sa San Bonifacio Elementary School, Brgy. San Bonifacio noong Marso 4, 2026.
Sa pangunguna ni PCpt Raymond Rhyss T. Walin, Assistant Company Commander, naisakatuparan ang programa katuwang ang iba’t ibang ahensya at organisasyon upang maihatid ang mahahalagang serbisyo sa may 200 benepisyaryo.
Nakiisa sa inisyatiba ang Philippine Red Cross Urdaneta City Branch sa pamumuno ni Ms. Honeylette N. Bamba at Ptra. Liwayway Madamba, kasama ang Yakult Philippines, Bureau of Fire Protection San Manuel, at Help the Kids Foundation sa pangunguna ni Ms. Fe Dancel.
Sa pagtutulungan ng mga ito, naihatid sa komunidad ang serbisyong medikal tulad ng konsultasyon at libreng gamot, supplemental feeding, at bloodletting activity para sa mga nangangailangan.

Bukod dito, nagsagawa rin ng Fire Prevention Lecture and Drill, Basic Life Support Lecture and Drill, at libreng gupit para sa mga residente at mag-aaral.
Sa pamamagitan ng programang ito, muling pinatunayan ng Philippine National Police na ang kanilang serbisyo ay hindi nagtatapos sa pagpapatupad ng batas, kundi umaabot hanggang sa makataong pagkalinga at aktibong pakikipag-ugnayan sa komunidad.

Source: 104th Maneuver Company RMFB1