Pamayanan at Kapulisan sa PNP Region 6, sama-sama sa First Sunday Mass sa buwan ng Marso

0
photo_2026-03-04_16-41-13

Sama-sama ang ilang mga residente at kapulisan ng Police Regional Office 6 sa idinaos na First Sunday Masa nito lamang March 1, 2026 sa Our Lady of the Most Holy Rosary Chapel sa Camp Gen Martin Teofilo B Delgado, Fort San Pedro, Iloilo City.

Pinangunahan ang nasabing Holy Mass ni Rev. Fr. PMAJ MARK RENZI S OGALESCO, RPO6, na dinaluhan ng iba’t ibang mga PRO6 personnel, parishioners, maging ng mga sibilyan sa katabing mga barangay.

Ang nasabing aktibidad ay regular na idinadaos sa nasabing chapel kung saan nagkakaisa ang pulis at pamayanan sa pagsisimba at pagpapanalangin sa kapayapaan at kaayusan ng kanilang mga lokalidad maging sa ating bansang Pilipinas at sa buong mundo.

Sa pamamagitan ng parehong aktibidad mas napagtibay ng buong pamayanan ang ugnayan sa pagitan ng mamamayan at mga awtoridad para sa pagkamit ng ligtas, maayos at payapang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *