PNP, Barangay Officials, PSO, Force Multipliers, Nagsagawa ng Sabayang Anti-Criminality Campaign sa San Mateo

0
675812833_1270834025223656_2478653568577937060_n

Nagsagawa ang Philippine National Police (PNP), katuwang ang lokal na pamahalaan ng San Mateo, ng sabayang anti-criminality campaign bilang bahagi ng Safer Cities Initiatives ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong gabi ng Abril 23, 2026.

Pinangunahan ni PLTCOL Arnel M. Tabaog ang operasyon kasama ang mga barangay officials, Public Safety Office (PSO), force multipliers, at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs). Layunin ng aktibidad na paigtingin ang pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa at batas, kabilang ang curfew para sa mga menor de edad, pagbabawal sa pag-inom ng alak sa pampublikong lugar, noise complaints, at mga kaso ng public indecency.

Hinihikayat ang publiko na sumunod sa batas, makipagtulungan sa mga awtoridad, at manatiling mapagmatyag upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa San Mateo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *