Pulis at KKDAT, nangyna sa Crime Prevention Symposium sa Sibonga, Cebu

0
viber_image_2026-05-02_12-48-48-445

Nagsanib-puwersa ang kapulisan at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Crime Prevention Symposium 2026 noong Abril 30, 2026 sa Bacaltos Sports and Cultural Complex, na dinaluhan ng mga estudyante, guro, at iba pang panauhin sa Sibonga, Cebu.

Tampok ang mga pulis bilang tagapagsalita, kung saan binigyang-diin ni PCMS Venus Tampos ang kahalagahan ng kaalaman sa Anti-Bastos Law upang maiwasan ang pang-aabuso at maprotektahan ang sarili, lalo na ang kabataan.

Tinalakay rin ang mga seryosong isyu tulad ng human trafficking at proteksyon sa mga menor de edad.

Samantala, ipinaliwanag naman ni PEMS Bernard Otida ang mga lokal na ordinansa ng Sibonga, kabilang ang regulasyon sa trapiko at wastong asal sa pampublikong lugar, bilang paalala sa papel ng bawat isa sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan.

Sa aktibong pakikiisa ng KKDAT, naging mas makabuluhan ang nasabing symposium, na naglalayong hubugin ang kabataan bilang katuwang ng kapulisan sa paglaban sa krimen at pagpapanatili ng kapayapaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *