Mga Barangay Tanod sa Malay, Aklan, nakiisa sa isinagawang Information Drive ng pulisya

0
viber_image_2026-04-29_17-28-16-362

Nakiisa ang mga Barangay Tanod kasama ang ilang mga residente ng Barangay Yapak, Malay, Aklan sa isinagawang Information Drive ng Malay PNP kamakailan lamang.

Tinagurian ang programa na Malay Revitalized Intelligence Throgh Enhanced Security and Safety (M.A.R.I.T.E.S.S.) na may layuning bigyan ng karagdagang kaalaman ang mga residente kaugnay sa ilang mga mahahalagang usapin sa komunidad.

Sa pangunguna ni PLT RENETA M ABRAHAM, Chief PCR, sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL ALAIN TERENCE L LICDAN, COP, inilunsad ng kapulisan ang nasabing symposium kung saan tinalakay din nila ang Drug Abuse Prevention and Control sa mga residente.

Bukod pa rito, ipinaliwanag din ni PEMS Ernesto T Lomeda, PCR PNCO, ang Project M.A.R.I.T.E.S.S. (Malay Revitalized Intelligence Through Enhanced Security and Safety) pati na ang mga hangarin at layunin ng programa na palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng mga komunidad partikular na sa pagkalap mg mga impormasyon at sa pagbabantay sa seguridad at kaligtasan ng nasabing barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *