NUPAI Sorsogon at TESDA, naglunsad ng Driving NC II Training Orientation
Matagumpay na inilunsad ang Driving NC II Training Orientation Activity ng NUPAI Sorsogon sa pakikipagtulungan ng TESDA Sorsogon upang ihanda ang iba’t ibang mga kalahok sa larangan ng pagmamaneho.
Dinaluhan ang aktibidad ni PCOL ALEX C DANIEL, Provincial Director bilang Guest of Honor and Speaker na nagbigay ng mensahe ng suporta at inspirasyon. Binigyang-diin ang kahalagahan ng kasanayan, disiplina, at responsableng pagmamaneho sa pagpapaunlad ng komunidad.

Tinalakay rin ang mga pamantayan at proseso ng pagsasanay upang matiyak ang kalidad ng edukasyon. Nagkaroon naman ng aktibong partisipasyon ang mga kalahok sa orientation bilang paghahanda sa kanilang magiging training.
Ang nasabing aktibidad ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan katuwang ang komunidad para sa mas maayos at ligtas na kinabukasan.