Feeding Activity, nilahukan ng Faith-Based Group sa NegOr

Nakiisa ang mga miyembro ng Faith-Based Group sa isinagawang Feeding Activity sa Barangay Poblacion 3, Siaton, Negros Oriental nito lamang ika-27 ng Mayo 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Pastor Leve Hermosa katuwang ang Siaton PNP sa pangunguna ni Police Major Alvin A Llamedo, Officer-In-Charge at Bureau of Fire Protection.

Walang kapantay na tuwa at pasasalamat ang mga kabataan dahil sa natanggap nilang mainit na champorado.

Ito ay patunay lamang na ang ating kapulisan, katuwang ang Faith-Based Group ay patuloy sa pagbibigay, pag-alalay at pagsuporta sa mga gawaing may kinalaman sa ikakabuti at ikakaunlad ng bawat bata sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *