Local Government Unit ng Calbayog City, nakiisa sa Community Outreach Program sa Samar

Nakiisa ang Local Government Unit ng Calbayog City sa Community Outreach Program na ginanap sa Brgy. Cag-anahaw, Oquendo District, Calbayog City, Samar nito lamang ika-30 ng Mayo 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Raymund C. Uy, kasama ang City Social Welfare and Development Office, Calbayog City Police Station na pinangunahan ng PLtCol Edwin M Oloan Jr., 43IB, 8ID, PA, 125th SAC, 12th SAB, SAF, 1st SPMFC at mga kabataan ng Sirak.

Mahigit 95 na pamilya ang naging benepisyaryo sa foodpacks at nagbigay din ng assorted biscuits at cookies sa mga kabataan ng nasabing barangay.

Layunin ng aktibidad na matiyak na direktang matatanggap at maranasan ng mamamayan sa komunidad ang serbisyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng kolektibong pagsisikap ng iba’t ibang ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *