SMCFC at Sangguniang Kabataan ng Brgy. Sinili, nagkaisa sa clean-up drive sa Santiago City

0
viber_image_2026-05-24_11-59-36-360

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Sangguniang kabataan ng Barangay Sinili sa isinagawang Clean-Up Drive sa sa kahabaan ng kalsada ng Brgy. Sinili, Santiago City nito lamang ika-23 ng Mayo, 2026.

Pinangunahan ni PLt Lambertso Bartido, Platoon Leader ng 3rd Platoon Patul Patrol Base, Santiago City Mobile Force Company (SMCFC) sa ilalim ng superbisyon ni PMaj Jayson M. Baldos, Acting Force Commander, ang nasabing aktibidad.

Layunin ng nasabing aktibidad na mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa komunidad habang higit na pinatitibay ang pakikipag-ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng kapulisan, kabataan, at mamamayan.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, isinusulong din ang kamalayan at responsibilidad ng bawat isa sa pangangalaga sa kapaligiran bilang bahagi ng Project GREENFORCERS ng Police Regional Office 2.

Kaisa ang Pambansang Pulisya sa mga aktibidad na magpapanatili ng malinis at ligtas na komunidad tungo sa isang mas mapayapa at mas maunlad na Bagong Pilipinas.

Source: PNP SCMFC Santiago CPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *