RPSB Team Commonwealth, Naglunsad ng seminar kontra bullying sa mga mag-aaral ng Manuel L. Quezon Elementary School

0
Screenshot-2026-07-07-212025

Nagsagawa ang Revitalized Pulis sa Barangay (RPSB) Team Commonwealth, sa pakikipagtulungan sa Manuel L. Quezon Elementary School, ng isang information and education lecture tungkol sa Anti-Bullying Act of 2013 (Republic Act No. 10627) at Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 (Republic Act No. 9344), na inamyendahan ng Republic Act No. 10630.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa elementarya tungkol sa pag-iwas sa pambu-bully, pangangalaga sa karapatan ng mga bata, at kahalagahan ng pagiging responsable sa loob at labas ng paaralan. Tinalakay rin ang wastong pag-uugali, paggalang sa kapwa, at ang mga batas na nagpoprotekta sa kapakanan ng mga kabataan.

Sa pamamagitan ng naturang programa, muling ipinakita ng RPSB Team Commonwealth ang kanilang suporta sa pagpapanatili ng isang ligtas, mapayapa, at child-friendly na kapaligiran sa paaralan. Patuloy rin nilang hinihikayat ang pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, at komunid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *