R-PSB Team 4 at BPSOs ng Brgy. Commonwealth, Nagsagawa ng Road Clearing Operation
Nagsagawa ng magkasanib na law enforcement operation ang Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Team 4 at mga Barangay Public Safety Officers (BPSOs) ng Barangay Commonwealth sa pamamagitan ng Barangay Road Clearing Operations (BaRCO). Bahagi ng isinagawang operasyon ang pagtanggal ng mga ilegal na puwesto, tindahan, at mga nagtitinda sa labas ng itinakdang vending areas upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga pampublikong kalsada.
Layunin ng operasyon na tiyakin ang malaya at ligtas na pagdaan ng mga motorista at pedestrian sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga sagabal na maaaring magdulot ng aksidente o pagsisikip ng daloy ng trapiko. Ang pagpapanatiling malinis at walang harang ang mga lansangan ay mahalagang hakbang upang mapabuti ang kaayusan at maprotektahan ang kapakanan ng publiko.

Patuloy na hinihikayat ng R-PSB Team 4 at ng Barangay Commonwealth ang pakikipagtulungan ng mga residente, negosyante, at mga vendor sa pagsunod sa mga umiiral na ordinansa at regulasyon. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, maisusulong ang isang disiplinado, ligtas, at maayos na komunidad para sa kapakinabangan ng lahat.