Force Multipliers at Peacekeepers Riders ng Ilocos Norte, naghatid ng ngiti at pag-asa sa IP Community sa bayan ng Adams

0
viber_image_2026-05-28_15-39-18-954

Matagumpay na isinagawa ng Force Multipliers at Peacekeeper Riders ng Ilocos Norte sa pangunguna ni Mr. Louie Angelo Bonifacio, katuwang ang Ilocos Norte Police Provincial Office na pinamumunuan ni PCol Joemar Q. Labiano, ang “Handog Balik-Eskwela Outreach Program” sa Sitio Malaggao, Brgy. Adams, Ilocos Norte kamakailan.

Pinagkaisa ng outreach program ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, force multipliers, volunteers, at community partners upang magbigay suporta sa Indigenous Peoples (IP) community, lalo na sa mga batang naghahanda para sa nalalapit na pasukan.

Kabilang sa mga naging tampok ng aktibidad ang pamamahagi ng school supplies, tsinelas, grocery packs, whole chicken packs, at libreng ice cream sa mga benepisyaryo. Nagkaroon din ng libreng gupit, medical assistance, magic show, at dance presentations na nagbigay saya at kasiyahan sa buong komunidad.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang INPPO sa mga katuwang na ahensya at organisasyon tulad ng Provincial Government of Ilocos Norte, 1st District Congressional Office, Metrobank San Nicolas, NAPOLCOM, Local Government of Adams, at Adams Municipal Police Station sa kanilang suporta upang maging matagumpay ang programa.

Source: Ilocos Norte PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *