BPATs, nakiisa sa Drug Symposium at BAT Training sa Sogod, Cebu
Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa isinagawang Drug Symposium at Barangay Auxiliary Training and Seminar sa mga Barangay Ampongol at Cabangahan sa bayan ng Sogod, Cebu noong May 25, 2026.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga opisyal ng barangay, BPATs, Lupon members, at mga cluster leader na aktibong nakilahok sa mga talakayan at pagsasanay. Tinalakay sa symposium ang masamang epekto ng ilegal na droga at ang mahalagang papel ng komunidad sa pagpigil sa paglaganap nito.
Layunin din ng BAT Training na higit pang palakasin ang kakayahan ng mga kalahok sa pagsasagawa ng mga programang pangkomunidad na nakatuon sa drug prevention, awareness, at pagpapatupad ng mga hakbang para sa isang ligtas at maayos na barangay.
Pinuri ng mga tagapag-organisa ang pakikiisa at dedikasyon ng mga kalahok sa pagsusulong ng isang mapayapa at drug-free na komunidad. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga lokal na lider at residente, patuloy na naitataguyod ang mas ligtas, mas maalam, at mas matatag na mga barangay sa Sogod.