Pulong ng mga purok at sitio leaders, Pinagtibay ang pagkakaisa para sa kapayapaan at kaayusan sa Barangay Halapitan

0
710591792_965478219662292_2851115439313773979_n

Nagsagawa ng pagpupulong ang mga lider ng iba’t ibang purok at sitio sa Barangay Halapitan, San Fernando, Bukidnon upang talakayin ang mga usaping may kaugnayan sa kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng komunidad.

Aktibong nakiisa sa nasabing pagpupulong ang mga tauhan ng 1003rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 10 (RMFB 10), sa pangunguna ni PCpl Jefford Lapornina sa ilalim ng superbisyon ni PMAJ Alvin Jay G. Dacillo, Company Commander.

Pinangunahan ang pulong ni G. Ernesto Añober sa ilalim ng pamumuno ni Punong Barangay Edna Catalan. Kabilang sa mga natalakay ang kasalukuyang sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa barangay, mga suliraning pangseguridad sa iba’t ibang purok at sitio, at mga hakbang upang mapanatili ang ligtas, mapayapa, at matatag na komunidad.

Binigyang-diin sa pagpupulong ang kahalagahan ng matibay na koordinasyon sa pagitan ng mga lider ng komunidad at mga tagapagpatupad ng batas upang maagap na matugunan ang mga lokal na isyu, maiwasan ang kriminalidad, at higit pang mapalakas ang kaligtasan ng mamamayan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at sama-samang pananagutan.

Patuloy na isinusulong ng mga lokal na lider at kapulisan ang pagkakaisa, pagbabantay, at pagtutulungan bilang susi sa pagbuo ng isang ligtas at mapayapang pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *