PNP at komunidad, nagtulungan sa Phase 2 construction ng Barangay Health Clinic sa Hungduan, Ifugao
Ipinakita ng Regional Public Safety Battalion (R-PSB) Team ng RMFB 1501st Maneuver Company at 1st Ifugao Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang kanilang malasakit sa komunidad sa pamamagitan ng aktibong pakikibahagi sa Phase 2 construction ng Barangay Health Clinic sa Baang, Hungduan, Ifugao noong Hunyo 2, 2026.
Sa isinagawang beam framing activity, nagbigay ng manpower assistance ang mga tauhan ng PNP upang makatulong sa pag-install at paghahanda ng mga structural beam na mahalagang bahagi ng konstruksyon. Ang kanilang sama-samang pagsisikap ay nakapag-ambag sa mabilis na progreso ng proyekto na inaasahang magbibigay ng mas abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa mga residente.

Binigyang-diin ng aktibidad ang patuloy na ugnayan ng Philippine National Police at ng lokal na komunidad sa pagsusulong ng mga proyektong direktang nakatutulong sa mamamayan. Sa pamamagitan ng ganitong inisyatiba, naipapakita ang papel ng kapulisan hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan kundi maging sa pagsuporta sa mga gawaing pangkaunlaran.
Ang matagumpay na pakikilahok ng mga tauhan ay patunay ng diwa ng bayanihan at serbisyo publiko na patuloy na isinusulong ng PNP alinsunod sa adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: PNP 1501st MC, RMFB 15