PNP at komunidad, nagkaisa sa pagtatayo ng Isnag House sa Kabugao, Apayao

0
viber_image_2026-06-05_11-05-56-011

Nagkaisa ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 15, 1505th Maneuver Company, Revitalized Pulis sa Barangay (RPSB) Team, at mga miyembro ng komunidad sa tatlong araw na bayanihan para sa pagtatayo ng Isnag House sa Paco Valley Elementary School, Brgy. Bulu, Kabugao, Apayao noong Hunyo 2, 2026.

Layunin ng proyekto na makapagtatag ng isang kultural at pang-edukasyong pasilidad na magsisilbing museo at aklatan para sa mga mag-aaral at residente ng komunidad. Inaasahang magsisilbi itong sentro ng pagkatuto at pagpreserba ng mayamang kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan ng mga Isnag para sa susunod na henerasyon.

Sa pamamagitan ng sama-samang paggawa, ipinakita ng mga pulis at mamamayan ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa edukasyon at pagpapaunlad ng komunidad.

Ipinamalas din ng aktibidad ang tunay na diwa ng bayanihan at malasakit ng kapulisan at komunidad upang makalikha ng isang pasilidad na makatutulong sa paghubog ng kaalaman at pagpapahalaga sa kultura ng mga kabataan sa lugar.

Alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” patuloy na naghahatid ang PNP ng mga programang nagtataguyod hindi lamang ng kapayapaan at kaayusan kundi maging ng edukasyon, kultura, at pangkalahatang kaunlaran ng mga komunidad.

Source: PNP 1505th MC, RMFB 15 Page
https://www.facebook.com/RavensRmfbPnpPage/posts/pfbid0347Y6MZGS2KtxMKv9LBbvYtCXrHHx28XQFhfshfw34xtr7V23qbTf6Ab8ajPGFgvQl?rdid=ALCzmS4UOXWvDka8#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *