MPPPO at DENR, nagkaisa sa tree-planting activity sa Mountain Province

0
viber_image_2026-06-26_22-13-41-683

Bilang pagdiriwang ng Philippine Arbor Day, nagsagawa ang mga tauhan ng Mountain Province Police Provincial Office (MPPPO), katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), ng tree-planting activity sa Latang, Tocucan, Bontoc, Mountain Province noong Hunyo 25, 2026.

Sa nasabing aktibidad, matagumpay na naitanim ang 400 punla ng Benguet Pine Tree bilang bahagi ng sama-samang pagsisikap para sa pangangalaga ng kalikasan.

Layunin ng inisyatibang ito na palawakin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran, makatulong sa pagbawas ng epekto ng climate change, at mahikayat ang aktibong pakikilahok ng komunidad sa mga programang may kaugnayan sa reforestation at pagpapanatili ng likas na yaman.

Patuloy na sinusuportahan ng MPPPO ang mga inisyatibang naglalayong protektahan ang kalikasan bilang bahagi ng kanilang malasakit sa mamamayan at pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan. Ipinapakita nito na ang PNP ay aktibong katuwang hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi pati sa pagtataguyod ng responsableng pangangalaga sa kapaligiran, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Mountain Province PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *