Joint meeting ng MPOC, MADAC at MTF-ELCAC, Pinangunahan ni Mayor Minez Hamor
Pinangunahan ni Mayor Minez Hamor ang Joint Meeting ng Municipal Peace and Order Council (MPOC), Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), at Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) para sa ikalawang quarter, na ginanap sa Mayor’s Conference Hall.
Dinaluhan ang pagpupulong ng mga kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP), Philippine Army, Special Action Force (SAF), Bureau of Fire Protection (BFP), mga department head ng lokal na pamahalaan, at mga Punong Barangay. Nakiisa rin si Councilor Nong Palcuto bilang suporta sa mga programang nagtataguyod ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa bayan.
Sa isinagawang pulong, tinalakay ang mga ulat hinggil sa kasalukuyang peace and order situation, kampanya laban sa ilegal na droga, at iba pang mga programang naglalayong mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Hamor ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at aktibong partisipasyon ng lahat ng sektor upang higit pang mapalakas ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Patuloy namang pinagtitibay ng MPOC, MADAC, at MTF-ELCAC ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga barangay upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng mga programa at serbisyong nakatuon sa kapakanan, seguridad, at kaunlaran ng mamamayan.