100 Benepisyaryo, Nakatanggap ng grocery packs sa Community Outreach Program ng Makati CPS

0
731761525_2129586684275805_4152560761367614261_n

Nagsagawa ang Makati City Police Station (CPS), sa pangunguna ni Chief of Police PCOL Pedro A. Alagano Jr., ng isang Community Outreach Program kaugnay ng Trillion Peso March (White Ribbon) sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City, ngayong Hunyo 28.

Sa pamamagitan ng Community Affairs Section (CAS) na pinamumunuan ni PCPT Pamela C. Leal, katuwang ang Makati Public Safety Department (PSD), nagsagawa ng information drive hinggil sa Executive Order No. 70 o ang Whole-of-Nation Approach sa pagkamit ng inklusibo at pangmatagalang kapayapaan, kabilang ang pagpapatupad ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at National Peace Framework.

Matapos ang talakayan, namahagi ang mga pulis ng grocery packs sa 100 benepisyaryo bilang bahagi ng programa na naglalayong palakasin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad, habang isinusulong ang diwa ng pagkakaisa, kapayapaan, at malasakit sa kapwa.

Ayon sa Makati CPS, ang ganitong mga programa ay patunay ng kanilang patuloy na dedikasyon sa paglilingkod sa mamamayan at pagpapalakas ng pagtutulungan ng pamahalaan at komunidad para sa isang ligtas at mapayapang lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *