103rd Manuever Company ng RMFB 1 at komunidad, nagkaisa sa pagdiriwang ng ika-25 Anibersaryo ng Fishers of Men Baptist Church

0
25411

Bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng tapat na paglilingkod sa Diyos at sa pamayanan, masayang ipinagdiwang ng Fishers of Men Baptist Church ang anibersaryo nito sa pamamagitan ng isang makabuluhang Thanksgiving Giving at Sunday Worship Service noong Hunyo 28, 2026.

Naging tampok sa pagdiriwang ang sama-samang pagpupuri at pasasalamat sa Diyos bilang pagkilala sa Kanyang katapatan, paggabay, at walang hanggang biyaya sa simbahan sa nakalipas na 25 taon ng ministeryo.

Ang okasyon ay naging patunay ng matatag na pananampalataya ng kongregasyon at ng patuloy nitong misyon na maglingkod hindi lamang sa Panginoon kundi maging sa komunidad.

Bilang pakikiisa sa makasaysayang pagdiriwang, dumalo ang mga tauhan ng 103rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) upang ipakita ang kanilang suporta, pagkakaisa, at pagpapatibay ng ugnayan sa faith-based community. Ang kanilang presensya ay sumasalamin sa patuloy na pakikipagtulungan ng Philippine National Police sa mga organisasyong panrelihiyon sa pagtataguyod ng kapayapaan, pagpapalaganap ng mga pagpapahalagang moral, at pagpapatibay ng pagkakaisa sa komunidad.

Sa pagdiriwang na ito, muling napatunayan ang mahalagang papel ng Fishers of Men Baptist Church bilang katuwang sa paghubog ng mga mamamayang may matibay na pananampalataya, mabuting asal, at malasakit sa kapwa.

Patuloy itong nagsisilbing inspirasyon sa maraming pamilya at mamamayan sa pamamagitan ng mga gawaing espirituwal, paglilingkod sa komunidad, at pagtataguyod ng mga pagpapahalagang nagbubuklod sa lipunan.

Source: 103rd MC, RMFB1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *